Gangnam Wings Apalit Pampanga Review + Giveaway

9 PEOPLE. 3 CARS.

Ganyan kadami ang sumugod sa bagong bukas na branch ng Gangnam Wings sa Apalit, Pampanga. Shookt nga ata yung mga tao sa branch, dalawa lang kasi ang invited nila tapos isang barangay ang dumating. πŸ˜›

Pero, the more the merrier di ba. Mas masarap kaya kumain pag madaming kasalo. Lalo kung yung kinakain nyo eh favorite ng buong pamilya. So of course, hindi namin pinalagpas ang opportunity para sample-an ang food ng Gangnam Wings. Ang swerte namin dahil kakabukas lang ng Pampanga branch nila. Tagal na namin gusto kumain kaso Megamall lang ang branch nila dati. Hello naman sa traffic di ba. Mabuti na lang sila ang nagkusa na lumapit samin πŸ˜†

GANGNAM WINGS

Gangnam Wings is a Korean food restaurant whose vision is to be recognized as THE BEST KOREAN FRIED CHICKEN brand & the FIRST AUTHENTIC KOREAN RESTO BAR in the Philippines. They opened their doors to the public last December 8, 2017 at the Megastrip, SM Megamall Building A. They take pride in their AUTHENTIC KOREAN CUISINES that not all Korean Restaurant offers.

ATAK NA

Anyway, eto na simulan na agad ang kainan. Ang pinunta talaga namin dun ay yung chicken at Samgyeopsal nila. Award-winning ang chicken nila, at hindi yan marketing buzzword lang dahil may natanggap talaga silang literal na award bilang best tasting Korean Fried Chicken in The Philippines, bigay ng Golden Globe Awards for Business. Susyal di ba, may pinanghahawakan. So excited talaga kami matikman itong legendary chicken nila kung masarap ba talaga.

GOBLIN WINGS, ONE DOZEN {Php480}. L: Yangnyum, sweet and tangy, M: Ganjang Chicken, garlic-soya based blend, R: Spicy Yangnyum, sweet and tangy with a kick.

Napawi lahat ng naipon kong chicken wing cravings pagkagat sa Yangnyum. Boom! Limot ang BonChon! Eh ikaw ba naman ang ibabad ng 12 hours tapos idouble fry, ewan ko na lang kung hindi ka pa sumarap πŸ˜† Hindi ko lang keri yung anghang ng Spicy Yangnyum, pero yung Ganjang chicken panalo din.

Next up yung Samgyeopsal nila. Unlimited meat, side dishes, rice, kimchi soup at drinks ang kasama starting at Php299 lang yan. May kids’ rate din sila so pwedeng isama ang mga bagets para kumpleto. Buffet-style yung side dishes ha. Mas prefer ko yun over dun sa may staff na nagre-refill lang ng side dish pag naubos na. Mas mabilis kasi self-serve, pero may danger din na ang dami mong kuhanin na side dish at hindi mauubos so be careful.

UNLIMITED SAMGYEOPSAL {starting at Php299}

Yung meat slices nila maninipis, if you prefer that over thicker ones, mag-eenjoy ka dito. Sa side dishes nila, pinakagusto ko yung kimchi at japchae. Yung kimchi natuto lang ako kumain nung nagsimula kaming mag-Samgyeopsal, pero sa Gangnam Wings yung pinakamasarap na natikman ko so far. Yung japchae naman flavorful din. Actually kahit saan basta japchae okay sakin. Pero ang star talaga sa mga side dishes nila yung kimchi soup. Sarap!

KIMCHI SOUP

Pinatikim din samin yung Pajeon (seafood pancake) at Beef Bulgogi Fries). First time ko makatikim ng seafood pancake, actually. Okay naman sya, siksik sa laman, mabigat sa tyan. Yung fries ay na-enjoy din namin dahil ang sarap nung marinated beef slices na toppings nya.

SEAFOOD PANCAKE {Php288}
BEEF BULGOGI FRIES {Php298}

Syempre, mawawala ba ang soju sa mga Korean food trip? Hindi talaga ako umiinom ng soju, mga friends, kasi amoy pa lang nya nalalasing na ako πŸ˜† Pero yung watermelon soju nila hindi ko na-resist tikman, at buti na lang pala tinikman ko kasi ang sarap nya! Next time pineapple soju naman oorderin namin.

WATERMELON SOJU {Php688}
Geonbae! {photo courtesy of Jennie}

VERDICT

Overall, berigud ang Gangnam Wings. We left very full and satisfied. So ayun, quota na sila agad sa sales nung araw na yun sa dami ng bitbit naming extra customers πŸ˜› Babalik pa ba kami? Yes na yes! Hindi nakakahinayang yung extra travel time from Bulacan. Marami pa silang authentic Korean food items sa menu nila na gusto kong matikman like their Yangpa (onion) bomb and seafood jjigae (stew) so definitely babalik at babalik kami. Tapos diretso ng S&R Pampanga (our favorite!) bago umuwi. Yown, two-in-one trip, tipid sa gas!

Salamat sa aming fellow Bulacan Blogger na si Jennie, na marketing manager din ng Gangnam Wings, for this opportunity.

Our busy table

Di rin mawawala syempre ang group shot ng mga naggagandahang Bulacan Bloggers. Usually tatlo lang kami (ako, si Jennie at si Phoebe) pero this time kasama namin si April. Sana next time mas marami kami. Ehem.

Photo by Jek

GIVEAWAY TIME!

Gusto mo ba ng Php500 gift certificate sa Gangnam Wings pang-date kay jowa sa Valentine’s Day? This is your chance! For the mechanics, go to my Facebook page here: https://www.facebook.com/labulakenya/photos/a.2437066466323703/2445010112196005/?type=3&theater

STORE DETAILS

Menu Items: Fried Chicken, Samgyeopsal, Fruit Soju, Jjigae, Yangpa Bomb and other Korean food items
Address: 3F Golden Profit Bld., San Vicente, Apalit, Pampanga (in front of SAVEMORE Supermarket)
Hours: Mon-Sun (10:00AM-9:00PM)
Parking: Limited Car Parking

SOCIAL MEDIA

Facebook: https://www.facebook.com/GangnamWings
Instagram: https://www.instagram.com/gangnamwings
Twitter: https://twitter.com/gangnam_wings

ABOUT THE GIRL

I wear many hats. But most of all, I am

STAY CONNECTED

SUBSCRIBE FOR UPDATES

FACEBOOK HAPPENINGS