La Musique KTV Guiguinto

SING YOUR HEART OUT.

I have three sisters, at bukod sa food trip, favorite bonding activity din namin ang mag-videoke. Di ko sinabing magaling kaming kumanta ha, hilig lang talaga naming mag-sing along. Sa sobrang hilig namin at dahil ang sakit sa bulsa magrent ng videoke machine every time may happening sa bahay, bumili ako ng sarili naming Platinum Karaoke setup (kumpleto with speakers at amplifier yan ha) five years ago. Pero kahit may videoke kami sa bahay, mas masarap pa rin mag-KTV sa mismong KTV lounge, mainly dahil walang naiistorbong kapitbahay. Paano ka nga naman makakabirit kung worried ka lagi na baka batuhin ka ng kamatis ng kapitbahay mo di ba? 😳

So nung na-invite kami ni Pinay Mama sa soft opening ng La Musique KTV, go kami agad. Ang lapit lapit lang pala sa amin! So no reason not to go. Unfortunately, hindi nakapunta ang ibang Bulacan Bloggers dahil sa conflict sa schedule, so ang sinama na lang namin ay yung dalawa pa naming kapatid. Instant bonding session, super saya! Gusto ko na nga ulitin agad eh. πŸ˜‰

They have six rooms na iba-iba ang size, depende kung gaano kayo kadami. Karaoke room for 2 or for big groups of up to twenty, kayang-kaya kayo i-accommodate ng La Musique. Ang videoke setup nila ay Platinum Karaoke, they are one of the best brands in the Philippines pagdating sa ganyan. I should know, kasi hindi kami nagkaproblema ever dito sa Platinum namin sa bahay since I bought it. Plus their rates are consumable, meaning, yung pinangbayad mo sa room, pwede mong ipang-avail ng food and drinks sa menu nila. So basically, FREE ang use ng KTV rooms!

Hindi ka rin naman lugi sa food nila. Nagpatikim rin sila ng food nila for us, and I can say na hindi lang pagkanta ang mae-enjoy mo dito, pati na rin yung pagkain nila. They have beer, but have non-alcoholic beverages din for the non-drinker. Pwede ka ring mag-rice kung yun ang trip mo πŸ˜† Yung sisig at nachos ang star para sakin. Si A favorite yung chicken, nagustuhan naman ni R at L yung cheese sticks. Sa sobrang busog, yung plano naming mag-Samgyupsal after di na natuloy πŸ˜€

Eto yung full list ng menu nila sa baba, if you want to know ano pa ang ibang food selections na available sa kanila. Next balik namin Honey-Garlic Chicken Wings naman ang titikman ko tsaka yung pancit bihon. My favorites!

Don’t worry about parking, ang laki and safe ang parking sa S Square Building kung san nandun yung La Musique. Plus they have promos all the time so grab the opportunity na yan friends! The owners themselves are very jolly and makwento. Sila yung mga business na ang sarap i-patronize dahil alam mong mababait yung may-ari.

Oops, picture muna with Bruno Mars bago kumanta πŸ˜€

VERDICT

Overall, enjoyable yung experience namin. We’re not meant to be busog when we left pero we still are, so it’s a good thing πŸ˜† It’s been a while since we had a sing along bonding session, and I forgot how much fun it was until that night. Updated pa yung song list kaya lahat ng bagong kanta na hindi alam ng mga tita nyo andun πŸ˜›

We’re very glad we went, and we’re grateful to Miss Leah, Miss Ellene and Miss Grace for taking the time to talk to us about their new business venture. You’ll probably see me posting about them on my Facebook page in the months to come, since we already have plans to come back.

STORE DETAILS

Address: 2nd Flr. S Cube Building Sta. Rita Guiguinto, Bulacan (between Nature Spring and San Miguel distribution office, in front of Red Oil, in the same building as Yumgyeopsal Sta. Rita)
Hours: Tues-Thurs 5:00pm to 12:00am, Fri-Sun 5:00pm to 2:00am (closed on Mondays)
Parking: Car Parking

SOCIAL MEDIA

Facebook: https://www.facebook.com/La-Musique-KTV-1089043744611108

ABOUT THE GIRL

I wear many hats. But most of all, I am

STAY CONNECTED

SUBSCRIBE FOR UPDATES

FACEBOOK HAPPENINGS